ANG PINAKAMASAYANG PARTE NG BUHAY(Erin Pillejera)
ANG PINAKAMASAYANG PARTE NG BUHAY
Iba't - ibang klase ng tao na ang nakasalamuha ko. Guro, magulang, mag-aaral sa kolehiyo at mga taong nakapagtapos na ng high school. Sabi nila, ang high school daw ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao. Kahit hindi ko pa natatapos ang huling taon ko sa senior high school ay masasabing kong totoo ang sinsabi nila. Bakit? Siguro kasi maraming nangyari na unang beses ko lang naranasan. Unang beses na nakilahok ako sa isang musikal, unang beses na sumama ako sa fieldtrip, unang beses na nakakuha ng palakol, unang beses mag-cutting, unang beses lumiban sa klase nang walang rason at kung anu-ano pang mga una. Sa high school nabuo ang pagkakaibigan na meron ako hanggang ngayon. Unang araw ng pagpasok ko ay wala akong ni isang kilala dahil galing ako sa probinsya pero di nagtagal ay nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Noong ika-9 na baitang ay nabuo ang Animal Clan, ang tawag sa grupo na binuo naming mga magkakaibigan, ngayon ay magtatatlong taon na kami. Sila ang masasabi kong pinakamatatalik kong kaibigan. Sila ang mga taong nakasama ko sa kalolokohan at syempre sa masasayang yugto ng buhay estudyante ko. Pero sa lahat ng mga nangyari sakin sa junior high school, isa ang pinaka hindi ko makakalimutan. Iyon ay ang araw na umakyat ako ng entablado para tumanggap ng parangal bilang isa sa mga mag-aaral na nakakuha ng mataas na marka. Simula grade 7 hanggang grade 9 hindi ako nakakapasok ng Top 10 kaya nung nakatanggap ako ng parangal ay sobrang saya ko. Nakasama ko pagpunta sa seremonya ang aking mga magulang kaya maslalo akong naging masaya dahil naramdaman ko na ipinagmamalaki nila ko bilang anak nila. Naging simple man ang takbo ng araw na iyon dahil walang handaan pero masaya pa rin ako. Nakasabay ko ring umakyat ng entablado ang mga kaibigan ko na nakadagdag din sa galak na nararamdaman ko noong araw na iyon. Sa sobrang daming naming pinagdaanan sa apat na taon na iyon ay nakakatuwang isipin na nalampasan namin lahat at nagtapos ng matagumpay. Ang mga kaibigan ko na nagtutulungan sa oras na nahihirapan na kami, ang mga magulang namin na hindi nagsawang itaguyod ang pag-aaral namin at ang mga gurong hindi napagod sa mga kalokohan namin. Sila bumuo sa buhay high school ng bawat isa sa amin. Ang high school ang pinakamasayang parte ng buhay dahil dito tayo gumawa ng una nating mabibigat na pagkakamali at dito rin tayo nakatanggap ng mga unang aral na magagamit natin sa mapahamong mundo.
Comments
Post a Comment