High School Life!!! (Danica Taguinod)
High School Life!!!
Sabi nila, ang timeline ng student life, ang high school life ang pinaka nakakami at pinaka memorable sa lahat. Bakit? Lahat ng ginagawa mong kalokohan ngayon ay natutunan mo noong sana Junio High ka palang. Tama diba? Sa stage na ito, makakafirst barkada ka, unang pag-ibig o ung Puppy Love kumbaga, unang kimkim ng galit at pagkaasar sa kaklase, yung iba pa nga, unang pagbibisyo pa at yung pinakanakakamis sa lahat ung mga teachers mong parang kalevel mo lang sa labas ng paaralan. Sa Junior High nag-umpisa ang lahat nang yan! Syempre, lahat nang yan naranasan ko na, nakakamiss nga eh!, yung tipong gusto mo bumalik sa nakaraaan pero hindi na pupuwede tanging sa alaala mo nalang nababalikan ang lahat. Tipong pag-naiisip mo lahat ng ginawa mong kalokohan noon, napapangiti ka nalng sa isang sulok. ☺ ☺ Sa pag tapak ko sa Junior High, syempre ramdam ko ang matinding kaba at hiya. Syempre unang pasok tapos transferee pa ako noon, wala akong kakilala sa kaklase ko tapos susunod pa ang pagpapakilala ng sarili sa harap, diba nakakakaba ang mahihiya ka talaga! Grade 7, ito ung mga panahong getting to know each other palang tayo sa mga classmates natin. Dito na nagsisimula ang mga crushes at pagkakaibigan sa mga kaklase. At sa stage na ito naranasan ko din ang tinatawag nilang Puppy Love ☺ Isa sa memorable experienced ko sa Junior High ay yung Moving Up ng grade 10, tapos excited na tumuntong sa senior high. Tapos ang saya pa sa pakiramdam na super Proud ng parents ko kasi napasa ako sa top 5. (ang sarap sa feelings yun diba?) tapos pagkatapos ng program , daretso sa bahay ng mga kaklase para makikain ☺☺☺☺☺ Isa pang nangyari sa Junior high experienced ko ay yung makilala ko ung lalaking nagpatibok ng puso ko (ganern). At tatay ng anak ko, oo may anak na ako, isang pagkakamaling hindi ko kailan man pinagsisihan sa buhay ko kasi blessing siya na bigay ni Jesus. Pero ung pangyayaring yon ay hindi dahilan para hindi ko ipagpatuloy ang pagaaral ko. Malungkot man kung isipin, pero hindi ako titigil hanggat hindi ko natutupad ang mga dreams ko at para sa better future ng anak ko. So para sakin, ang pinaka magiging memorable talaga sa buhay ko ay ang high school life. Dadalhin ko ang bawat memories nito hanggang sa dulo. Kaya naman I always treasure every second. Kasi ang Segundo na yon ay maaalala ko hanggang pagtanda ko. At ditto sa eskwela, hindi uso ang problema basta may mga barkada tayong kasama ☺☺☺☺☺ At ngayon isa na akong senior high student and soon to graduate high school. ☺☺☺☺☺
Comments
Post a Comment