Karanasan sa Junior High: Pagmalas ng Aking Talento (Precious Princess San Felipe)


Hello mga Momsh!

Ito ang una kong blog, hopya like it!
Isang pinagpalang magandang araw sa inyong lahat! Ngayon ay ibabahagi ko ang aking karanasan nung ako'y nasa junior high school pa lamang.





Ako yung uri ng tao na sobrang mahiyain, shy type nga ika nila (weh) oo nga! Hahahaha. Ngunit ang aking mga talento na bigay ng maykapal ay naibahagi ko nung ako'y nasa junior high pa lamang. Maniwala man kayo sa hindi ay sumali ako sa isang patimpalak ng sayawan na tinatawag nilang "cheerdance". Kahit parehas kaliwa ang paa ko ay hindi ako nagpatinag, pakapalan lang naman ng mukha ito hahaha. Hindi man kami nanalo ay masaya pa rin ako dahil kahit ayaw kong sumayaw ay napilit o nabigyan ako ng pagkakataon na ibahagi ang aking talento sa pagsayaw (kahit wala naman talaga). Ang pinaka hindi ko malilimutang karanasan ay noong sumali ako sa isang teatro na pinamagatang "Into the Woods" bilang madrasta at sa "Enchanted" bilang ibon, mexican singer, at singer sa isang sayawan. Oo hinakot ko na lahat ng ganap hahaha. Nagkaroon din kami ng dula ng "Romeo at Juliet" at gumanap ako bilang Juliet. Pasensya na kayo at nagmamaganda lang ako. Nagpakatikas at tigas din ako ng katawan noong sumali kami sa CAT na nag ala sundalo kami sa aming mga kilos. Mga pare, para sa akin ang mga ala-ala o karanasan na hindi ko makakalimutan ay ang pagsasama namin ng Team Sawi. Oo sawi kami hindi sa lalaki kundi sa kaibigan dahil iniwan nila kami sheket hahaha. Napatunayan at napadama nila sa akin na wala ng hihigit pa sa pagmamahal ng tunay na kaibigan.

Comments

Popular posts from this blog

ANG PINAKAMASAYANG PARTE NG BUHAY(Erin Pillejera)

High School Life!!! (Danica Taguinod)

Junior high (Aivee Rose Salazar)