Hayskul (Mark Tolibat)
Hayskul
Isinulat ni Mark Tolibat
Sabi ng iba ‘Hayskul daw’ ang isa sa mga memorableng alaala at/ o karanasan na hindi dapat palagpasin ng mga kabataan. Sa hayskul mo raw mararansan ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan nung ika’y nasa elementary pa lang at alaala na iyong babalikbalikan sa oras na ika’y tumuntong sa kolehiyo.
Aminin man o hindi,tayo bilang tao ay natural na sa atin ang madaming iniiwasang gawin at kinatatakutan . Natatakot tayong sumubok dahil natatakot tayong magkamali. Sa dami ng ating kinatatakutan hindi na natin napapansin na marami tayong nalalagpasang mga oportunidad at sinasayang na pagkakataon. Sa kabilang banda, tayo bilang tao ay dumadating sa punto na mapipilitang gawin ang mga bagay na ayaw man ng ating kalooban, wala tayong pagpipilian. Maihahalintulad natin ito sa pagtungtong ng ating mga paa sa bukana ng bagong eskwelahan na ating buong taong pagtitiyagaan. Sa una ay makakaramdam ka ng kaba, animo’y bumalik ka sa pagkabata na kailangan pang ihatid ng magulang para lang wag matakot na maiwan. Ung tipong maghihilaan pa kayo ng mama mo sa pasilyo para lang maipasok ka sa silid aralan tapos naipasok ka nga pero buong araw ka naman iiyak sa upuan. Nang mga panahong iyon akala mo ang pinakamalaking dagok na sa buhay mo ay makisalamuha sa mga bagong mukha. Nakakatawang isipin pero totoo, kaya ang ugaling iyon ay ating nadadala hanggang sa pagtungtong sa hayskul. Sa unang araw ay nagaaway ang iyong utak kung tutuloy ka pa ba o hindi na. Para bagang ang pagpasok sa unang araw ng ekswela ang pinakamahirap na desisyon na ginawa mo sa iyong buhay, Panibagong lugar, panibagong pagaaralan at panibagong mga makakasalamuha. Sino ba namang hindi matatakot sa unang araw? Ikaw ba pagpumunta sa hindi pamilyar na lugar ay papasok ka agad ng hindi man lang pagiisipan kung ano ang mangyayari sa iyo sa loob? Malamang sa malamang ay hindi dahil matatakot ka sa katotohanang wala kang alam at may posibilidad na ika’y maligaw. Ngunit dito na papasok ang sinasabi kong labag man sa iyong kalooban ay wala kang pagpipilian. Parang lakbay aral lang yan na paulit ulit lang naman ang destinasyon na pinupuntahan. Ung kahit ayaw mo na sumama dahil halos makabisado mo na ung pupuntahan ay hindi mo magawa dahil may kapalit na points pagsumama ka. Kaya kahit ayaw mo, kailangan mong gawin para lang pumasa. Kaya sa paghakbang ng iyong paa pakiramdam mo’y milyon milyong karayom ang tumutusok dito na tila ba pinipigilan kang ituloy ang iyong paglalakad. Lakad-Takbo, hanggang sa makarating sa silid na labing dalawang buwan mong magiging kulungan. Maswerte ka kung may kakilala ka o mamukhaan man lang ngunit malas ka kung sa dinami dami ng estudyante sa dati mong pinagaaralan ikaw lang ang napadpad sa silid aralan na iyon. Magisa ka na naman. Kawawa, loner ka nanaman. Pero dapat sanay ka na sa ganyang sitwasyon para lang naman yang pagiging out of place sa tuwing kasama mo ang magkasintahan mong kaibigan, ung tipong sila partner tapos ikaw 'third wheel'. Sila naglalakad ng magkahawak kamay habang ikaw hanggang ganda at/o gwapo lang kayang ibalandra sa madla. Kapal lang mukha ang meron tayo pero walang jowa. Ung tipong sila dinudumog na ng langgam sa kasweetan habang ikaw magtitiis lang sa malamig na panahon at umaasa lang sa kalandian mo sa near group. Mabalik sa kwento, syempre may isa akong natutunan na pwedeng magamit dito. Ayon sa sikat na kasabihan ni Pareng John Donne, No man is an island. Maniwala ka man o hindi, sa pagtagal ng panahon madami kang makikilala. Sa mga makakasalamuha mong tao ilang lang doon ang mananatili dahil ang iba itinadhana lang talagang makilala mo para may matutunang aral pero hindi para samahan ka at damayan ka pagkailangan mo sila. Dumaan, nangamusta pagkatapos umalis ulit. Ganyan ang cycle ng buhay. Kung hindi ka masasanay at hahabol sa bilis ng pagbabago , mapagiiwanan ka. Ngayun, sa apat na taon sa hayskul imposibleng wala ni isang mananatiling loyal sayo pero kung wala talaga ay magisip isip ka na kung may mali ba sa iyo o sa paguugali mo. Iyon ang isa pa pala sa masayang bagay sa hayskul dahil nasa sapat na gulang na kayo, may sapat na din kayong kaalaman sa paghahandle ng isang relasyon maparomantic love, pamilya o kaibigan man.
Bukod sa mga tambak na assignment at project, ano pa nga ba ang magpapasaya sa iyo sa pagtungtong ng hayskul? Sabihin na nating katakot takot man ang unang taon mo dahil sa hirap ng pagaadjust, masasabing worth it naman kung mairaraos mo ito at tumuntong kana sa mga susunod na baitang dahil madalas dito na naguumpisa ang journey mo mula sa inosente papunta sa malandutay. Palagi lang naman sa simula mahirap ang lahat. Hindi ba mas magandang madanasan mo muna ang hirap, lungkot at sakit bago ka sumaya? Maihahalintulad ito sa isang magandang bulaklak, syempre hindi ito agad agad na magiging maganda kung Hindi mo ito didiligan , papaarawan , kakausapin at tataniman ng mga pataba. Ang lahat kasi ng magagandang bagay at biyayang nakukuha dapat pinaghihirapan. Kung paguusapan naman na natin ang lahat ng unang bagay na ginawa mong nakakahiya, masama, malaswa at nakakakilig baka dahil sa dami ay abutin ka pa ng dekada. Kaya ilista na natin ito at pagkasyahin sa lima.
Una, sa hayskul mo mararanasan ang pagbubuwis buhay at pagsira ng sariling dignidad at reputasyon para lang sa grades. Kung dati Hindi ka mapipilit sumayaw at kumanta pero dahil sa physical education na nakafocus sa dancing at singing ung tipong kahit kakalas ka na at magkanda putol na ang litid mo kakakanta, push pa din ng push para lang sa performance task. Isa sa pinakamagandang halimbawa ay ang C.A.T na kahit babad ka na sa araw kakamartsa ,at ung kahit lagi kang napaparusahan ng leader niyo at pinagpupush up o di kaya helicopter ay Hindi ka makapagreklamo dahil sa oras na alisin ka. Aalis na din pati ang pagasa mong makagraduate. Ang masaklap pa naman doon sa oras na di ka makagraduate, sira na buhay mo. Domino effect kasi yan na pag nabagsak ka sa isang subject uulitin mo ulit yun sa susunod na taon, ung iba mong kaklase nagkamove forward na habang ikaw nagrerepeat ulit, tapos engot ka pa kasi tinamad kana magaral dahil pakiramdam mo napagiiwanan ka na at walang pagasang makapasa, pipiliin mo na lang na tumabay, magmamajor ka ng home ikananay at/o ikatatay, magkakaroon ng madaming anak, walang kang mapapakain kasi mahihirapan ka makahanap ng trabaho, maghihirap kayo tapos sa dulo magpapakamatay ka na lang. Pero syempre halimbawa ko lang yan, depende pa din naman ang diskarte sa isang tao. Mabalik tayo sa pinaguusapan, sa oras na dumating na ang mismong competition doon mo na makikita ang pagkakaisa ng lahat dahil sa mismong performance makikita ang pagapply ng bawat isa sa pinanraktis nila ng ilang buwan.
Pangalawa, sa hayskul mo din mararanasan ang makaramdan ng unang pagtibok ng puso. Ngunit uulitin ko depende pa din iyon sa tao. Kung sadyang pinanganak kang may taglay na kalandian malamang sa malamang elementarya pa lang nahulog ka na sa laro ng pagibig. Madaming ganyan grade 5 pa lang humarot na tapos tinatanggi pa na Hindi daw seryoso yun. Jowa is jowa. Mapaminuto, oras , araw , linggo o buwan man, pagsinabing kasintahan kasintahan kaya atomatik na bilang yun sa mga kaharutan mo. Pag pagibig ang usapan madami ang nakakarelate , mapaone sided, double sided , puppy love o incest man, lahat may karanasan sa pagibig. Abnormal ang taong walang love interest o crush man lang , Hindi kasi kompleto ang hayskul mo kung Hindi ka mangangalap (stalking) ng impormasyon kay crush, kung hindi mo susundan kahit saan magpunta, kahit na umabot ka pa sa banyo nila at Hindi kumpleto kung Hindi ka man lang umamin sa crush mo tapos yun din ung kaunaunahan mong rejection. Madalas nabrozoned, friendzoned, kapatidzone at inboxzoned ka ni crush. Ang malala pa dun ung umamin ka tapos nilike lang niya, sarap magtago sa sobrang kahihiyan nun.
Pangatlo, kaunaunahang walwal. Ung tipong nung elementarya, paaralan at bahay lang umiikot ang buhay mo kasi masaya ka lang sa panunuod ng cartoon sa telebisyon o di kaya maglaro sa labas ngunit sa ngayung panahon, Paaralan, mall, bahay ni kaklase 1, mansyon ni kaklase 2 tapos atsaka lang ung bahay niyo. Nakadepende pa yan kung bawal sa bahay ni kaklase 1 kaya lilipat kayo sa ibang bahay ung sigurado kayong may parasyon ng pagkain at internet. Minsan nga kahit Hindi mo kaibigan sasama ka pa din para lang sa WiFi connection at makisabit sa movie marathon.
Pangapat, kauna unahang pagpasok ng walang tulog. Sa mga panahong ito isa kang ulirang bata, ung lahat ng project at assignment ay tinapos mo hanggang 5:30 ng umaga tapos ang pasok mo 6:00. Ung tipong bangag ka na nga wala ka pang ligo. Ito din ung mga panahong halos isumpa mo na ung mga titser niyo, ung ang hirap ng gagawin tapos nung mismong araw lang na iyon ibinigay kailangan kinabukasan ipapasa na. Grabe nagmamagic kami. Tapos ito pa ung halos lahat ng subject sabay sabay napagawa ng paper works, tapos sabay sabay din ng deadline. Ung totoo, iisa lang katawan namin, pwede bang isa isa lang din ang pinapagawa. Hindi naman sa nagrereklamo pero Hindi lang naman kasi subject niyo lang ang tinatake namin, madami kaya kayong nagfefeeling major.
Panglima, pinakadabest sa lahat ng una, ang unang rambol o sagutan ng mga magkakaaway na kaklase. Ang sarap kaya manuod ng ganito, live na sparring. Ung tipong popcorn na lang kulang may instant teleserye na. Minsan neutral ka lang pero mas madalas may pambato ka, parang manok lang pinagpupustahan pa kung sino mananalo . Madalas ang mga ganito pagpraktis sa groupings, sulutan ng jowa at mga sensitive na tao na lahat na lang sinasalo.
Mukha mang negatibo ang lahat ng nabanggit pero ang lahat ng ito ang humubog at dahilan kung bakit ang mga tulad naming umabot sa Senior High School at soon to be college student ay nakaabot sa kinatatayuan namin ngayun. Ibig sabihin ito ang rason ng pagiging ako, ikaw o tayo .
Comments
Post a Comment