Mabigat na Karanasan (Sittie Raifa Pangadapun)

"MABIGAT NA KARANASAN"
Isinulat ni: Sittie Raifa Pangadapun



Ako nga pala si Sittie Raifa Dida-agun Pangadapun. Kilala sa tawag na "REPACK" o "PANGA" nung ako'y nasa Junior High pa lamang. Ngayon ako'y kinikilala bilang si "RAI"at kasalukuyang nag-aaral sa Eusebio High School. Ako'y nakapagtapos ng junior high sa Senator Ninoy Aquino College Foundation (SNACF), Marawi City. Bago ko ilahad kung paano ako nakagradtweyt, ating tunghayan muna kung ano ang aking mga naging karanasan.

"Bakit ganyan siya kumilos? TOMBOY ba siya? NAKAKADIRI naman!"
"Ano ba yan? walang kaibigan, siguro MASAMA UGALI niyan at PLASTIK!"

"Hindi makakagraduate yan, pumatol ba naman sa BAKLA!"

"PASIKAT! SIPSIP SA GURO! kala mo naman ganda ganda ng boses at matalino tsk!"


Mga salitang aking naririnig araw-araw simula pa lang nung ako'y nasa ikawalong baitang ng sekondarya. Ako'y tigasin at lalaki kung maglakad. Ako'y mahilig sa kagamitang panlalaki kung kaya't ang tingin sa aki'y tibo. Ako'y pinandidirihan nang lahat maging ang mga kapwa ko kababaihan. Ako'y walang kaibigan kaya't tingin sa aki'y masama ang ugali at plastik subalit, isang araw ako'y nagkaroon ng matalik na kaibigan ngunit isang sirena. (BAKLA) Kami malapit sa isa't-isa. Sabay umuwi, kumain, mag-aral at sabay nabagsak sa isang asignatura kung kaya't ang tingin nila sa ami'y hindi makakagradweyt. Pero kami'y gumawa ng paraan upang maipasa ang asignaturang iyon. Awa ng diyos, kami ay nakapasa. Dahil sa paraang iyon, tingin ng tao sa ami'y magkarelasyon kahit na ang totoo naman ako lang ang may lihim na pagtingin sa kanya.

Ako'y kumakanta sa aking eskwelahan at laging nanalo kaya't ako'y sumikat sa aking sariling talento. Maraming humanga na mga estudyante sa kolehiyo at pati na rin ang mga guro dahil sa taglay na aking kagalingan at kasimplehan. Nang dahil doon, ako'y naging malapit sa mga guro pati na rin sa mga ibang estudyante na kolehiyo. Tingin sa aki'y sipsip sa guro kaya nakakapasa pero di nila alam ako'y nagpupursigeng mag-aral kahit na ako ay may ginagawang extra curricular activities. Ako'y di katalinuhan at kagalingan ngunit may utak naman at masipag. Nagpatuloy ito hanggang sa ako'y nasa ika-sampung baitang. Di ko lubos maisip kung bakit ito ang tingin sa akin ng mga tao. Ipinagpatuloy ko na lang ang aking buhay na hindi nagpapaapekto sa sinasabi nila, hanggang sa ako'y nakapagtapos ng junior high school at nakagradweyt na may tatlong medalya at nakakuha ng minor awards.





Comments

Popular posts from this blog

ANG PINAKAMASAYANG PARTE NG BUHAY(Erin Pillejera)

High School Life!!! (Danica Taguinod)

Junior high (Aivee Rose Salazar)