Mataas na Parangal (Heather Christine Samson)
Mataas na Parangal
Isinulat ni: Heather Cristine Samson
Hayskul ay isa sa mga pinakamasayang parte ng ating buhay. Dito nagsisimula ang pagbubuhay dalaga at binata ng isang tao. Maraming pagbabago mula sa pisikal, emosyonal, mental at iba pa. Maraming mararanasan sa buhay mula sa pamilya, kaibigan, eskwela at kasintahan na hindi inaasahan.
Isa sa mga hindi kapani-paniwala at napakagandang pangyayari sa aking buhay noong Junior High School ay nang magtapos ako ng Top 1 ng section Einstein, may karangalan at pinakamataas sa asignaturang pagluluto. Aminado akong hindi ako nagseseryoso sa pag-aaral pero nakakapagpasa naman ako kahit papaano. Hindi ako competitive na tao kasi ang gusto ko lang ay makapasa at makatapos ako ng pag-aaral. Nang mag-Grade 10 ako ay nalipat kami ng seksyon dahil sa pinili naming TLE na isang asignatura. Dahil 5 kaming nalipat mula sa unang seksyon noong Grade 9 ay napagpasyahan naming dapat lahat kami ay nasa top para hindi kahiya-hiya dahil galling kami sa unang seksyon dati. Mahirap dahil maraming ginagawa at nagkakasabay-sabay ng pasahan pero masaya naman kahit papaano dahil maraming natututunan at karanasan. Marami kaming ginawang hindi pa naming nagagawa dati at may mga natuklasan kaming mga nakatagong talento sa aming mga sarili. Kada markahan ay nag aabang kami ng listahan ng mga top at lagi kaming natutuwa sa resulta dahil hindi kami natatanggal. Andyan ang nagkakapalit palit kami ng pwesto sa top pero wala kaming inggitan. Hindi ko inaasahan ang maging top 1 dahil mababa ang aking kumpiyansa at tiwala sa sarili pero may mga bagay talagang hindi natin inaasahan. Hindi ako magaling magluto pero marunong naman ako dahil hindi naman ako gumagawa ng gawaing bahay. Hindi ko rin inaasahang masasama ako sa honor na may mga average na 90 pataas at pangpito ako na may average na 91 dahil mahirap makakuha ng matataas na marka.
May mga bagay talagang hindi natin inaasahan at hindi kapani-paniwala na dadating sa ating buhay. Masasabi kong marami mang pagsubok ang dumating sa aking buhay lalo na sa pag-aaral ay may mga bagay naman na nagpatunay ng mga hirap, sipag, tiyaga at saya na naranasan ko. Hindi man ako katalinuhan, sobrang kasipagan, katiyagain, at magaling hangga’t gusto mong makapagtapos ng pag-aaral at may marating sa buhay ay magagawa mo.
Comments
Post a Comment