Mga Alaala ng Junior High School (Mary Joy Tadlip)

Mga Alaala ng Junior High School

Isinulat ni: Mary Joy Tadlip



Ang high school ang pinakamaganda at pinakaexciting na parte ng buhay ng isang estudyante. Dito niya natututunang mailabas at mailahad ang kaniyang mga malalalim na nararamdaman at mas lumalawak ang kaniyang pag-iisip patungkol sa isang particular na bagay. Sa lebel ng buhay ng estudyante, ang pagiging isang high school student ang humuhubog sa kaniyang buong pagkatao tulad na lamang ng pagkakaroon ng malawak na pag-iisip pagdating sa pagdedesisyon at sa paggawa ng isang partiukular na bagay o gawain. Nalalaman rin niya ang tunay na kahulugan ng tama sa mali. Ang Junior High School ay ginugugulan ng apat na taon ng pag-aaral ng isang estudyante upang umabot sa karagdagang dalawang taon sa Senior High School.



            Sa aking sariling opinyon at palagay, ang pagiging isang Junior at Senior High School student ang pinakamagandang alaalang hinding-hindi ko malilimutan kailanman. Ngunit upang mas maging diretso sa punto, sa loob ng apat na taong ginugol ko sa junior high, marami akong nakilalang mga tao na siyang bumago at gumulo ng aking tahimik at mapayapang mundo (sa magandang paraan). Sa bawat taon ko sa aking pag-aaral ay bagong mga kaibigan ang aking nasasamahan tulad na lamang noong nasa ika-7 baitang ako, nagkaroon ako ng mga babaeng kaibigan na talagang malapit sa akin – at tinawag namin itong “LOLLIPOPERS”. Masasabing masyado pa akong bata para magkaroon ng ganyang mga kaibigan. Ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon, madadagdagan pa pala ang mga masasabi kong “tropa”. Ika-8 baitang naman nabuo kaming walong (8) magkakaibigan na pinangalanan naming “THE ELF”. Ngunit sa kasamang palad, hindi nagwork-out ang aming friendship. Ika-9 na baitang ng mabuo naman ang “ANIMAL CLAN”. 



             Itong aking “circle of friends” ang siyang kauna-unahan kong malaking bersyon ng “tropa” kung saan binubuo kami ng labinlimang (15) miyembro. Bawat miyembro ng aming natatanging malaking grupo ay may nirerepresentang iba’t ibang klase o uri ng hayop – mapatubig, mapalupa, o mapahimpapawid man. At sa lahat ng naging mga tropa ko, ang “Animal Clan” ang pinakamatagal dahil mahigit dalawang taon na kami at sa ngayon, masasabi kong, “we are still one and still fighting”. Noong ika-10 baitang naman, dumagdag at nabuo naman ang “all girls group” namin na “SpagIceFriManBur” na binubuo ng iba’t ibang klaseng personalidad ng mga babae at masasabi kong “second to the best” ang tropa kong ito. 



             Sa baitang ring ito ko nakilala ang taong hindi ko inaasahang magkakaroon ng malaking parte sa buhay ko. Ang taong nagpasaya at patuloy na nagpapasaya sa akin bukod pa sa pamilya at mga kaibigan ko. Korni man pero alam ko sa sarili ko na ang nararamdaman ko ay hindi matatawag na “puppy love” kundi isang magandang “first love”. Sa kasalukuyan, heto pa rin kaming dalawa patuloy na nakikipagsapalaran sa takbo ng buhay. Sabi nga nila, mas magandang nag-umpisa muna ang isang relasyon sa isang pagkakaibigan kesa sa biglaang aminan.



Makalipas ang apat na taong pag-aaral ko sa Junior High, masaya akong makumpleto ang apat na taon ko sa paaralang pinapasukan ko ngayon (sa Eusebio High School). Hindi man bahagi ng Junior High School ko ang nabuo kong tropa ngayon sa Senior days ko na “MOMANG TOMAS”, nais ko pa rin itong bigyan ng pwesto sa aking blog dahil para sa akin, parte pa rin sila ng aking high school life.



Sa kabila ng pagkakaroon ko ng maraming kaibigan, hindi ito naging hadlang upang makalimutan namin ang bawat isa, upang makalimutan ko sila dahil naniniwala ako na “Friendship doesn’t need a daily call, a daily text, or a daily moment because as long as you two are in each others hearts, NOTHING CAN SETS YOU APART.”



Sa apat na taon ko rin sa Junior High ay nakakilala ako ng mga mahuhusay na guro sa mayroong mga kaniya-kaniyang paraan ng pagtuturo at pakikisalamuha sa kani-kanilang ma estudyante. May mga gurong masungit o strikto, may mga gurong masayahin, may mga gurong palakaibigan, at mayroon ring mga gurong kayang pagsabay-sabayin ang pagiging strikto sa pagiging masayahin at lively, at ang pagiging palakaibigan na syempre ay mayroon naman sa lugar dahil ang guro ay isa pa ring guro na nararapat makatanggap ng respeto, makakita ng disiplina sa mga estudyante, at higit sa lahat, ang pagiging isang mabuting halimbawa sa ibang tao.



Lahat ng mga taong nakasalamuha ko sa mga nakaraang taon ng buhay ko, particular na sa High School life ko, ay may mga kaniya-kaniyang kontribusyon sa aking pagkatao. Isa na rito ang siyang nagpabago sa akin sa dating pagiging tahimik ay isa nang ganap na makulit, madalas madaldal, at syempre masayahing ako ngayon. 



Sa kabila nito, hindi rin naman maiiwasang maadapt ang mga hindi magagandang bagay na napapanood, nakikita, at naririnig. Ngunit sabi nga, “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”. Ipinapakita lamang nito na bukod sa mga kasamaan o hindi magagandang bagay na nagagawa ng tao, natututunan at nagagawa pa rin tayong patawarin ng Diyos at ng hindi lamang siya kundi pati na rin ang mga taong nagawan natin ng hindi magagandang bagay. 



Sa tagal kong nag-aaral ng hayskul, maram akong natutunan na alam ko naman sa sarili ko na nagawa ko at ginagawa ko. Isa na rito ang pagpapatawad sa iyong kapwa. May pagkakataon mang mahirap talaga pero darating din ang araw na lahat ng sakit, lahat ng galit, lahat ng kirot, lahat ng pasakit, at lahat ng paghihirap ay mapapalitan ng kasiyahan, kasaganahan, kagalakan, kapatawaran, at higit sa lahat, PAGMAMAHALAN. So, SPREAD THE LOVE!!!










Comments

Popular posts from this blog

ANG PINAKAMASAYANG PARTE NG BUHAY(Erin Pillejera)

High School Life!!! (Danica Taguinod)

Junior high (Aivee Rose Salazar)