Junior High (Jazel Joy Samillano)
"Junior High"
Isinulat ni: Jazel Joy Samillano
Bilang isang junior high student hindi madali para sa akin na maraming pagsubok na dumating nandiyan yung lungkot at saya .Ang hindi ko makakalimutan sa junior high yung lahat mong kaklase takot sa isang guro sa isang subject sa Aralpan. Kailangan pagpasok lahat nakapila at tahimik pagdating ng upuan ayusin ang upuan at umupo ng maayos kailangan don ka sa kaniya nakatingin habang nagsasalita. Kapag magquiz kailangan sa papel mo lang nakatingin kapag magbigay ng takdang aralin kailangan may gawa ka kapag wala kang gawa tatanungin ka kung bakit wala kang nagawang takdang aralin kapag magbigay ng proyekto kailangan ipasa sa tamang pasahan,kapag nagpasulat siya sa notebook kailangan kumpleto maayos na pagsulat at malinis gusto niya lahat kami madisiplina ng maayos para sa aming kinabukasan siya yong guro na seryoso pagdating sa mga estudyante at ang hindi ko makakalimutan mga kaklase muna pasayaw . Sama samang gumagawa ng props nagtawanan ,biruan kapag magpractice ng sayaw lahat mag- iingay hindi nakikinig sa nagsasalita sa harapan pagtapos ng practice yong iba nagtatakbo pabalik ng room kapag nagcelebrate kami sa school ng nutrition month lahat nagdadala ng gulay ,prutas gawing costume sa katawan at magparade kapag magcelebrate naman ng career guidance lahat kong mga kaklase nagsusuot na pangkursong damit at yan ang naranasan ko nong junior high na hindi ko makakalimutan.
Comments
Post a Comment