Posts

Showing posts from August, 2018

High School Life!!! (Danica Taguinod)

Image
High School Life!!!            Sabi nila, ang timeline ng student life, ang high school life ang pinaka nakakami at pinaka memorable sa lahat. Bakit? Lahat ng ginagawa mong kalokohan ngayon ay natutunan mo noong sana Junio High ka palang. Tama diba? Sa stage na ito, makakafirst barkada ka, unang pag-ibig o ung Puppy Love kumbaga, unang kimkim ng galit at pagkaasar sa kaklase, yung iba pa nga, unang pagbibisyo pa at yung pinakanakakamis sa lahat ung mga teachers mong parang kalevel mo lang sa labas ng paaralan. Sa Junior High nag-umpisa ang lahat nang yan! Syempre, lahat nang yan naranasan ko na, nakakamiss nga eh!, yung tipong gusto mo bumalik sa nakaraaan pero hindi na pupuwede tanging sa alaala mo nalang nababalikan ang lahat. Tipong pag-naiisip mo lahat ng ginawa mong kalokohan noon, napapangiti ka nalng sa isang sulok. ☺ ☺ Sa pag tapak ko sa Junior High, syempre ramdam ko ang matinding kaba at hiya. Syempre unang pasok tapos transferee pa ako noon, ...

ANG PINAKAMASAYANG PARTE NG BUHAY(Erin Pillejera)

Image
ANG PINAKAMASAYANG PARTE NG BUHAY Iba't - ibang klase ng tao na ang nakasalamuha ko. Guro, magulang, mag-aaral sa kolehiyo at mga taong nakapagtapos na ng high school. Sabi nila, ang high school daw ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao. Kahit hindi ko pa natatapos ang huling taon ko sa senior high school ay masasabing kong totoo ang sinsabi nila. Bakit? Siguro kasi maraming nangyari na unang beses ko lang naranasan. Unang beses na nakilahok ako sa isang musikal, unang beses na sumama ako sa fieldtrip, unang beses na nakakuha ng palakol, unang beses mag-cutting, unang beses lumiban sa klase nang walang rason at kung anu-ano pang mga una. Sa high school nabuo ang pagkakaibigan na meron ako hanggang ngayon. Unang araw ng pagpasok ko ay wala akong ni isang kilala dahil galing ako sa probinsya pero di nagtagal ay nagkaroon din ako ng mga kaibigan. Noong ika-9 na baitang ay nabuo ang Animal Clan, ang tawag sa grupo na binuo naming mga magkakaibigan, ngayon ay...

Junior high (Aivee Rose Salazar)

Junior high              “Junior high”    ito yung panahong maraming nararansan ang isang estudyante. Ibat ibang karanasan na hidi natin makakalimutan. Karanasan na nagsisilbing aral sa ating buhay at karanasn na naging matibay tayo sa lahat ng problemang hiarap nati noong junior high o buhay hayskul .              Ang dami kong naranasan noong akoy isang Juior High School palang ako. Nandoon yung mga kulitan ng kaibigan at awayan pero syempre at syempre bilang estudyante hindi mawawala ang mga kalokohan habang tayo ay nag-aaral pero nguit meron pa rin mga alaalang masasay kasama ang mga taog naging parte ng ating buhay sa loob ng paaralan, andyan yung ating mga kaibigan na sumasabay sa mga kalokohang ginagawa natin at ang ating mga guro na nagsisilbing pangalawang magulang natin na gumagabay sa atin sa lahat ng bagay. Isang karanasan na hindi ko makakalimutan noong Grade 10 ako...

Junior High (Jazel Joy Samillano)

Image
"Junior High" Isinulat ni: Jazel Joy Samillano Bilang isang junior high student hindi madali para sa akin na maraming pagsubok na dumating nandiyan yung  lungkot at saya .Ang hindi ko makakalimutan sa junior high yung lahat mong kaklase takot sa isang guro sa isang subject sa Aralpan. Kailangan pagpasok lahat nakapila at tahimik pagdating ng upuan ayusin ang upuan at umupo ng maayos kailangan don ka sa  kaniya nakatingin habang nagsasalita. Kapag  magquiz kailangan sa papel mo lang nakatingin kapag magbigay ng takdang aralin kailangan may gawa ka kapag wala kang gawa tatanungin ka kung bakit wala kang nagawang takdang aralin kapag magbigay ng proyekto kailangan ipasa sa tamang pasahan,kapag nagpasulat siya sa notebook kailangan kumpleto maayos na pagsulat at malinis gusto niya lahat kami madisiplina ng maayos para sa aming kinabukasan siya yong guro na seryoso pagdating sa mga estudyante at ang hindi ko makakalimutan mga kaklase muna pasayaw . Sama samang g...

Mabigat na Karanasan (Sittie Raifa Pangadapun)

Image
"MABIGAT NA KARANASAN" Isinulat ni: Sittie Raifa Pangadapun Ako nga pala si Sittie Raifa Dida-agun Pangadapun. Kilala sa tawag na "REPACK" o "PANGA" nung ako'y nasa Junior High pa lamang. Ngayon ako'y kinikilala bilang si "RAI"at kasalukuyang nag-aaral sa Eusebio High School. Ako'y nakapagtapos ng junior high sa Senator Ninoy Aquino College Foundation (SNACF), Marawi City. Bago ko ilahad kung paano ako nakagradtweyt, ating tunghayan muna kung ano ang aking mga naging karanasan. "Bakit ganyan siya kumilos? TOMBOY ba siya? NAKAKADIRI naman!" "Ano ba yan? walang kaibigan, siguro MASAMA UGALI niyan at PLASTIK!" "Hindi makakagraduate yan, pumatol ba naman sa BAKLA!" "PASIKAT! SIPSIP SA GURO! kala mo naman ganda ganda ng boses at matalino tsk!" Mga salitang aking naririnig araw-araw simula pa lang nung ako'y nasa ikawalong baitang ng sekondarya. Ako'y tigasin a...

Alaala (Daenzel Ryan Ty)

Image
"Alaala" Isinulat ni: Daenzel Ryan Ty Sabi nila ang buhay high school ay ang pinakamasayang yugto sa buhay ng isang tao. Sapagkat dito nakapaloob ang lahat ng mga kasiyahan at mga kalokohang pumapasok sa isip ng mga estudyante.  Ngunit walang "thrill" ang buhay high school kung walang malulungkot na mga alaala. Naalala ko pa noong unang beses akong tumapak sa eskwelahan ng Rizal High School. Naalala ko pa noon kung paano kami tumatakas sa mga gwardya na naglilibot sa aming paaralan at sa mga kaibigan kong nakasama ko sa kalokohan. Dumating sa puntong pumapasok na lamang ako sa paaralan para maghintay ng ring ng bell sa uwian.  Ang unang dalawang taon ko ay napuno ng mga masasayang alaala. Ngunit makalipas ang dalawang taon kong pamamalagi sa mataas na paaralan ng Rizal, naging saksi ako sa kung paano ang pinaka-masasayang karanasan ko sa mga unang taon kong pananatili sa Junior High School ay nagkaroon ng mga mapapait na alaalang kailanman ay hi...

Karanasan sa Junior High: Pagmalas ng Aking Talento (Precious Princess San Felipe)

Image
Hello mga Momsh! Ito ang una kong blog, hopya like it! Isang pinagpalang magandang araw sa inyong lahat! Ngayon ay ibabahagi ko ang aking karanasan nung ako'y nasa junior high school pa lamang. Ako yung uri ng tao na sobrang mahiyain, shy type nga ika nila (weh) oo nga! Hahahaha. Ngunit ang aking mga talento na bigay ng maykapal ay naibahagi ko nung ako'y nasa junior high pa lamang. Maniwala man kayo sa hindi ay sumali ako sa isang patimpalak ng sayawan na tinatawag nilang "cheerdance". Kahit parehas kaliwa ang paa ko ay hindi ako nagpatinag, pakapalan lang naman ng mukha ito hahaha. Hindi man kami nanalo ay masaya pa rin ako dahil kahit ayaw kong sumayaw ay napilit o nabigyan ako ng pagkakataon na ibahagi ang aking talento sa pagsayaw (kahit wala naman talaga). Ang pinaka hindi ko malilimutang karanasan ay noong sumali ako sa isang teatro na pinamagatang "Into the Woods" bilang madrasta at sa "Enchanted" bilang ibon, mexican si...

Mga Alaala ng Junior High School (Mary Joy Tadlip)

Image
Mga Alaa la ng Junior High School Isinulat ni: Mary Joy Tadlip Ang high school ang pinakamaganda at pinakaexciting na parte ng buhay ng isang estudyante. Dito niya natututunang mailabas at mailahad ang kaniyang mga malalalim na nararamdaman at mas lumalawak ang kaniyang pag-iisip patungkol sa isang particular na bagay. Sa lebel ng buhay ng estudyante, ang pagiging isang high school student ang humuhubog sa kaniyang buong pagkatao tulad na lamang ng pagkakaroon ng malawak na pag-iisip pagdating sa pagdedesisyon at sa paggawa ng isang partiukula r na bagay o gawain. Nalalaman rin niya ang tunay na kahulugan ng tama sa mali. Ang Junior High School ay ginugugulan ng apat na taon ng pag-aaral ng isang estudyante upang umabot sa karagdagang dalawang taon sa Senior High School.             Sa aking sariling opinyon at palagay, ang pagiging isang Junior at Senior High School student ang pinakamagandang alaalang hinding-hindi ko malilimutan kailan...

Mataas na Parangal (Heather Christine Samson)

Image
Mataas na Parangal Isinulat ni: Heather Cristine Samson Hayskul ay isa sa mga pinakamasayang parte ng ating buhay. Dito nagsisimula ang pagbubuhay dalaga at binata ng isang tao. Maraming pagbabago mula sa pisikal, emosyonal, mental at iba pa. Maraming mararanasan sa buhay mula sa pamilya, kaibigan, eskwela at kasintahan na hindi inaasahan. Isa sa mga hindi kapani-paniwala at napakagandang pangyayari sa aking buhay noong Junior High School ay nang magtapos ako ng Top 1 ng section Einstein, may karangalan at pinakamataas sa asignaturang pagluluto. Aminado akong hindi ako nagseseryoso sa pag-aaral pero nakakapagpasa naman ako kahit papaano. Hindi ako competitive na tao kasi ang gusto ko lang ay makapasa at makatapos ako ng pag-aaral. Nang mag-Grade 10 ako ay nalipat kami ng seksyon dahil sa pinili naming TLE na isang asignatura. Dahil 5 kaming nalipat mula sa unang seksyon noong Grade 9 ay napagpasyahan naming dapat lahat kami ay nasa top par...

Hayskul (Mark Tolibat)

Image
Hayskul Isinulat ni Mark Tolibat Sabi ng iba ‘Hayskul daw’ ang isa sa mga memorableng alaala at/ o karanasan na hindi dapat palagpasin ng mga kabataan. Sa hayskul mo raw mararansan ang mga bagay na hindi mo pa nararanasan nung ika’y nasa elementary pa lang at alaala na iyong babalikbalikan sa oras na ika’y tumuntong sa kolehiyo. Aminin man o hindi,tayo bilang tao ay natural na sa atin ang madaming iniiwasang gawin at kinatatakutan . Natatakot tayong sumubok dahil natatakot tayong magkamali. Sa dami ng ating kinatatakutan hindi na natin napapansin na marami tayong nalalagpasang mga oportunidad at sinasayang na pagkakataon. Sa kabilang banda, tayo bilang tao ay dumadating sa punto na mapipilitang gawin ang mga bagay na ayaw man ng ating kalooban, wala tayong pagpipilian. Maihahalintulad natin ito sa pagtungtong ng ating mga paa sa bukana ng bagong eskwelahan na ating buong taong pagtitiyagaan. Sa una ay makakaramdam ka ng kaba, animo’y bumalik ka sa pagkaba...